~mikko is the name
~taken :P
~100% Weird :))
ay college na Mas masaya to :D
Bye seniors na sa tshirt naman namin to ng batch namin eh :D
Tips sa mga papasok na freshmen sa College.
Dahil malapit na magpasukan. Susubukan nating talakayin ang incoming freshmen sa college.
Tandaan mo na ibang iba ang environment ng College sa Highschool, dito mo masasabing totoo pala lahat ng sinasabi ng teacher mo, dito mo masasabi na kailangan mo na pala talaga magsikap, dito mo matatanong kung sino ba ang dapat maging kaibigan. Magbibigay ako ng ilang idea para hindi ka mahirapan sa unang araw ng pasukan.
Dahil freshmen ka palang, siguraduhin mong papasukan mo ang unang araw ng pasukan, tandaan mong wala ka pang kakilala na kaibigan doon, malaki ang ma mimiss mo sa college life mo kung unang araw ng pasukan palang eh absent ka na.
Bakit ko nasabing dapat kang pumasok? Dito kasi malalaman mo yung mga approachable na kaibigan, tandaan mong pareho lang kayo ng nararanasan, kung kaya mo silang i approach, i approach mo na rin sila minsan kasi may malaking barrier nang hiya sa inyong dalawa, bigyan mo siya ng killer smile, pero yung ngiti na palakaibigan ha? Baka ngiting manyak ang ibigay mo eh kung saan pa kayo mapunta.
Magpakatotoo ka lang, halata kasi yung mga galaw na pilit. Kunwari normal na tao ka lang, tapos magiging conyo ka, o kaya naman biglang naging englishero/englishera ka eh baka matampal ka ng taong nakakarinig sayo.
Kahit na alam mo na ang sagot, subukan mo ulit itong itanong sa katabi mo, pero nasa timing ka dapat. Ang paraan na ito ay epektib para magkaroon ng komunikasyon sa inyong dalawa na maaring pagumpisahan ng magandang pagkakaibigan.
Isulat mo lahat ng notes at requirements na ibibigay ng Professors mo, karamihan ngayon sa mga Professors ay Requirements Nazi, yung tipong kailangan lahat meron ka agad. Madalas naman na hingin e, index card, ballpen, libro, envelope para sa portfolio niyo at marami pang iba, depende sa prof talaga.
Tanggapin mo na lang na iba iba na ugali ng mga kaklase mo, dahil ung iba ay laking maynila, at yung iba eh laking probinsiya, dito masusubukan ang personalidad mong makisama, alam mo siguro ang mabuti sa masama ikaw na ang bahalang dumiskarte dito.
Maghakot ng kaibigan as much as possible, sila ang kokopyahan mo in the future. Tandaan mong block section kayo.
Marami pang ibang paraan para ma enjoy mo ang buhay college. Sa una lang mahirap yan, pero kapag natuto ka nang magsinungaling para gumala at samahan ang kaibigan mo, Cool ang College! Hell ang highschool.

